Travel: Ilocos


As part of my New Year’s resolution at para maging busy busy-han, I promised myself to make my blog updated all the time. Kung kelangan araw-arawin ang pagsulat ng entries at magpuyat, why not di ba!? It’s just like doing homework during my younger days (As if naman na katandaan na ako…but then oo nga I’m in my mid-20’s na pala..syeeeeet!)

And as I have said in my previous posts, I’ll make this year to be a travel-filled year just like 2008 which is one of the best years ever. Sobrang kaadikan lang sa lakwatsa at ubos kaban ng bayan sa pag lustay ng pera pero keber at masaya naman. So I promise to share my journeys and travels anywhere in and out of Pinas and the happy memories that goes with those places.

So I’ll start from the Northern most part first…Ilocos.

Day 1:

What can I say about Ilocos? Well, super ganda lang ng Ilocos at sobrang nostalgic ang pakiramdam ng pagpunta ko dun. As in wala akong maalalang negative about sa travel ko dun puwera lang sa makangalay puwet na biyahe which is 8-9 hours ata if I remember it right. I was with Jex (former colleague), Reg (college friend) and her friends. Parang fieldtrip lang dahil we signed up for a Photoholic Tour and sumakay kami ng Florida “Gayness” bus dahil sa kaniyang floral design. Ang arte lang!

Florida “Gayness” Bus

Our 1st stop, St. Augustine Church and Bantay Bell Tower. Ginising kami from our 8-9 hours of sleep sa biyahe with all those ka bad breath-an and may muta pa with matching pumupungas-pungas pa kaming bumaba sa bus to officially start the tour, imagine!? At first, mababa pa ang energy namin then onte onte na kaming nagigising to our senses and start na ng camwhore-ing moments. And dito din ako nakatikim ng ever oh so delicious na Ilocos Empanada (comes with egg and sukang Ilocos) plus bumili pa kami ng Basi (Ilocos wine) na hindi na nakarating sa bahay dahil nabasag na pala sa bag ko (Boooooo!).

St Augustine Church and Bantay Bell Tower

2nd stop, Ilocos Sand Dunes. According to our tour guide, the movie Panday was filmed here. Okey. Kahit ganun pa man, di pa rin ako masyado na attract dahil sa likas lang akong mareklamo sa initan at di ko na-appreciate ang ma i-tour kami sa kalagitnaan ng disyerto at 11 “striking” am. Thanks to my trusty little umbrella. :)

Ilocos Sand Dunes

3rd and 4th stops, Sinking Bell Tower in Laoag City and Cape Bojeador. Wala ako masyado masabi sa Sinking Bell Tower since di naman kami pumasok or whatsoever. Di ko rin namalayan na tourist attraction pala siya dahil busy kami ng aking mga friends humanap ng sari-sari store para bumili ng pagkain kesa sumunod sa tour. *hahaha* Same with Cape Bojeador light house, we climb the flight of stairs but never went inside dahil puno na daw. So nakuntento  na lang kami to look from the outside at magpahangin sa freshness air ng Ilocos. *Hmmmmm…*

Cape Bojeador Lighthouse & Sinking Bell Tower

Last stops, Kapurpurawan Rocks and Bangui Wind Mills. Ang ganda lang ng view on top of Kapurpurawan Rocks, sight na sight ang Pacific Ocean or China Sea.  Achievement na yung inakyat ko ang taas ng Kapurpurawan Rocks dahil tirik ang sunshine at effort kung effort sa pag akyat and all. Pero once you’re up there, pawi lahat ang pagod sa mahabang lakaran and akyatan dahil – ang G A N D A lang. Refreshing it is! And lastly to end our 1st day, we went to Bangui Wind Mills to catch the sunset. Haaaaay nuf said. Ang ganda pa rin. Kala ko sa postcards ko na lang sila makikita.

Kapurpurawan Rocks and the Sea

My sunset shot at Bangui Wind Mills

Day 2:

Another nature trip day. We went to Kabigan Falls. Mahabang lakaran sa bukiran at gubat before we saw the waterfalls. Di rin ako agad nakapag swimming dahil kambing lang takot sa malamig na tubig. *hahaha* Overall, masaya. Since it’s a tour, I met new friends and acquaintances. After that, our next stop is Bantay Abot Cave. Syempre let’s get physical na naman sa pag akyat and paglalakad. From the outside of the cave, iisipin mo na wala lang pag dating sa taas. Pero lo and behold, ang ganda ng view sa kabilang side.

Kabigan Falls & Bantay Abot

After the tiring trekking to Kabigan Falls and Bantay Abot Cave, we had our lunch at Maira-Ira Blue Lagoon Beach. Sawa sa pagkain – PG style ako and my friends. After kumain, beach bumming lang and hilata sa white sand. Ang peaceful ng beach and di crowded – I like!

Maira-Ira Blue Lagoon Beach

Our final stop for Day 2, Patapat Bridge and Agua Grande. Onteng lakad lakad, picture picture and that’s it. We returned to our place at Polaris Beach House in Saud Beach,Pagudpud.

Patapat Bridge, Agua Grande & Saud Beach

Day 3:

We spent the 3rd day mostly on city tour. 1st stop is the Paoay Church. Ang G A N D A!  Sorry sa overuse ko na paggamit ng term pero maganda lang talaga. Parang dati nakikita ko lang sila sa WoW Philippines posters at postcards at heto nakita ko na in actual na dating pinapangarap ko lang. Haaaaayyyyzzzz. (Parang dreamboy lang di ba!?) Then next stop is Marcos Museum. Oh well, nakita ko lang si Marcos in flesh. We’re not allowed to take pictures inside the mausoleum pero ang dilim and ang creepy with matching Enya-ish sound effects sa loob.

Paoay Church & Marcos Museum

After that, we finally headed to the much awaited spot of all – Crisologo St at Vigan, Ilocos Sur. Feeling ko ako na si Maria Clara during the 18th century era habang naglalakad sa stone pavements ng Crisologo St, ang taray lang. Napa flashback ako bigla. Pati ang establishments at restaurants like Max’s, McDo and Jollibee ay sinauna din ang itsura – ayluvit!

Crisologo St. at Vigan

Why Ilocos?

Kung medyo senti/EMOde ka, Ilocos is one good option. Peaceful yet many surprises awaits you. I ♥ Ilocos dahil trip ko ang nostalgic moments. Plus, I love the company of my best buds – Jex, Reg and her friends na friends ko na din. I wish to go back there someday.

2 Responses to Travel: Ilocos

  1. regina says:

    balik tayo Ilocos! DIY naman! hehehe!

  2. kath says:

    Sama ako!!!!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 97 other followers