Travel: Boracay


(circa 2007) april na. ang bilis! parang kelan lang new year’s eve pa. hahaha. #maymasabilang bilang april na and this is the peak of summer in the ph, andyan ang kabi-kabilaang beach bumming activities. sa mga panahong ito namimiss ko ang beautiful beaches of the ph at mag wow philippines mode. nasaan ang mala-paraisong beach sa singapore!?!? hmpf, makapag changi beach na nga lang! haha.

i’m going to share the boracay trip story which happened 5 years ago. oo lumang luma. hinalukay sa baul na hard disk ang memories. feeling ko lang mag nostalgia at maningin ng old pictures at masaya naman. dahil travel deprived na ako for the past 8 months, binubuhay ko na lang ang travel dreams ko through my old pictures.

boracay

boracay is memorable to me because of the following reasons: 1) first time ko sumakay ng eroplano and 2) first time ko mag travel outside luzon and 3) first ever lakwatsa trip. actually um-epal lang ako sa trip na ito dahil di naman talaga ako kasali in the first place. haha. i remember shedding out 7k++ worth of tickets just to join this trip. that time, dahil feeling ko ang romantic ng boracay, pinangarap kong makapunta sa boracay na dapat kasama ang lovelife. ngunit…subalit..datapwat may ibang pangyayaring nagaganap. to cut the story short, dahil go for gold ako at ok lang na maubos ang kaban, i joined the trip and bought my own tickets. love can make you do stupid things right?

so i joined bf and his colleagues (some of whom are also my college friends) kaya ok na din. i met new friends and acquaintances and i’m happy that i’m still friends to some of these people.

one summer day at boracay

masarap nga talaga mag happy-happy sa boracay. there are many things to do like mag-inom, magpa-braids, mag pasunog ng balat, mamasyal sa mga shops, kumain, chumika, maningin ng mga naka bikini and many more. unfortunately that time, di pa masyado uso (or di lang kami aware) sa helmet diving, flyfish at banana boating at di kami nag ganun. nevertheless, it was still an enjoyable and memorable trip for me.

pasunugan

the boracay sunset was also one of the best sunsets i’ve ever seen. let the photos speak.

twilight

namimiss ko na ang beach, as in yung mala paraisong beach. (beeeaaacccchhhh zZzZzZzZz)

me and my long-lost siblings. char.

Comments are closed.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 85 other followers

%d bloggers like this: