Travel: Bali, Indonesia (Day 1)


This is it pansit friends! Q1 goal mission accomplished kaagad. I’m Dora na mag she-share sa inyo ng aking solo adventure here at Bali. Gusto ko na ata gawing panata yung ‘travel solo’ every year, nakaka adik lang. Let me get it straight. I’m not doing this for the sake of boy-hunting or whatsoever, it’s more of…soul searching – Nakkkssss! It just so happened that I love the feeling of traveling alone and I’m happy with it, just the same satisfaction I get when I’m traveling with my friends, family or with Darwin. Balance! 🙂

To continue with the story, here’s what happened to me on my first day…

Departure: It’s a 3-hr flight from Singapore. So technically, para din akong umuwi ng Pinas. Thanksss sa mga naghatid sa akin sa airport, ang saya lang nila kasama na almost ma-late na naman ako for the nth time dahil humahangos na akong tumatakbo sa Terminal 1 dahil nag fa flash na ang ‘Gate Closing’ papuntang eroplano. hahaha Nakakaloka lang! As in masyado ko naman pinapanindigan yung chill and relax at hayan tuloy maiiwan na naman ako ng eroplano. 1st time ko rin maka-try ng Air Asia and ok naman siya parang Cebu Pacific lang, masikip at budgeted bwahahaha and di ko lang na enjoy ang byahe ko dahil sa amoy ‘anghit’ ang eroplano (puros kase foreigner ang nakasakay at ako lang ang local looking person…hayyyyzzz).

Arrival: I arrived at Ngurah Rai aka Denpasar Int’l Airport at 1120PM. No time difference between Singapore and Bali so ayos dahil di na ako malilito mag compute ng oras. hahaha. Airport – Pinas na Pinas parang NAIA Terminal lang. Then the driver from the hostel picked me up at the airport. It took an hour and 30-mins from airport to Ubud, where Jati Homestay is located. Sa di sinasadyang pagpapabooking ko, ang swerte ko pala at sakto dito shinoot ang Eat Pray Love sa Ubud. 🙂

Welcome to Bali

Accommodation: Jati Homestay is a very relaxing place. Para akong nag check-in sa probinsya. Sobrang close to nature na tipong may palaka sa lalakaran mo, may butiki sa ibabaw ng router, may talahiban sa bakanteng lote, may sagingan at niyogan pa. Kung relaxation ang hanap mo pero di nalalayo sa attractions, this is the place to be! And kung dengue ang hanap mo, andito na rin ang mala-butterfly sa laki na mga lamok na nakita ko.

Jati’s Homestay

1st Agenda: Monkey Forest.

I’ve never seen as many monkeys as that in Monkey Forest. Pakalat kalat lang sila. Buti hindi aggressive ang mga unggoy. There, you’ll see monkeys of different size, shape, gender and character. Ang kulit pa meron silang diving spot sa may fountain. At ngayon lang ako nakakita ng mala-baboy na unggoy dahil sa sobrang pagka-obese lang!

Monkey Forest

After that, I had my lunch break at Kafe, a nice cafe/restaurant 2 blocks from my hostel. My location is very good since it’s accessible to all souvenir shops, restaurants, stores, atm’s, etc. Yun lang since medyo tourist spot ang area, medyo pang-tourist din ang presyo ng mga bilihin.

Kafe

2nd agenda: Lake Bratan/Ukan Danu Bratan Temple

Kung anu-anong adventures at pagmamatapang ang ginawa ko makapunta lang sa lugar na to. Dahil sa ultimate dream ko na makita ang temple na yun, pumayag ako umangkas sa motor at humabal-habal ng 4 na oras at nandyan pa ang abutan ka ng ulan sa kalsada. Super adventure nga! Ganun pala ang feeling ng nagmomotor at nauulanan. Mukhang basang sisiw ako pero kebs at go pa din ako say ko kay Kuya Driver. Thank you po Lord at buo akong nakaalis at nakauwi ng hostel during my 4-hr motorcycle ride. Nagkaron tuloy ako ng instant soul mate sa katauhan ni Kuya Driver na wishing pa magkaron ng souvenir pic with me dun sa temple (for memories daw – echosera) Boyfriend kita Kuya!!?? Feeling ko tuloy tumutugtog sa background ang Stephen Speaks – Passenger Seat…

Oh and I’ve got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can’t keep my eyes on the road
Knowing that she’s inches from me

Passenger Seat

Dream Come True

3rd agenda: Taman Ayun Temple

After our Lake Bratan journey, another few hours of long habal-habal ride at dumoble pa ang pagmamatapang ko dahil di na ako humawak sa balikat ni Kuya dahil baka humingi na naman sya ng souvenir pic with me. Juskooo! So kapit ako sa rails sa ilalim ng upuan ko at nagdadasal sa isip na “Lord, huwag po ako mahuhulog…please keep me safe. Ayoko po mamatay sa Bali at di alam ng parents ko na andito ako.” hahaha Next temple I visited (I have fascination with temples sa sobrang totoo lang) was Taman Ayun Temple. It’s a beautiful place with nice landscaping. Yun lang, I was wearing shorts kaya di ako nakapasok. I promise to wear pants for tomorrow’s tour.

Taman Ayun Temple

*More pics here*

4 thoughts on “Travel: Bali, Indonesia (Day 1)

  1. TheBlackTwig 07-Nov-2012 / 12:20 am

    Very entertaining. I’m going to Bali next month. Will definitely put those temples in my agenda. Thanks!

    Like

  2. dave hansel 25-Feb-2012 / 2:06 pm

    Bali is one of my family’s favorit place. We love the beach, people, culture and the food!

    Like

    • misskimpe 25-Feb-2012 / 9:43 pm

      thanks Dave. I agree! Bali is a cool and nice place. wish i’ll be back again. 🙂

      Like

Comments are closed.